科研速览 · Science Skim继续刷下去 · Keep skimming →
◆ LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino2026-05-27

MAKABULUHANG PAG-AARAL NG EL FILIBUSTERISMO GAMIT ANG THOUGHTS, QUESTIONS, EPIPHANIES (TQE) SA BAITANG 10

Rick Endico, Denzel Mark Ciruela

原始摘要(英文原文)· Original abstract
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong gamit ng TQE (Thought, Question, Epiphany) Method bilang interbensyon sa pagpapalalim ng komprehensyon ng 42 mag-aaral sa Baitang 10-Wisdom ng Amando A. Fabio Memorial National High School sa nobelang El Filibusterismo. Gamit ang (ABAB) Single-Subject Experimental Design at Purposive Sampling, sinuri ang akademikong pagganap ng mga partisipanteng nasa antas na "full refresher." Ang datos ay nakuha sa pamamagitan ng isang validated self-made questionnaire at sinuri gamit ang Mean, Standard Deviation, Repeated Measures ANOVA, at Paired Samples t-Test. Ipinakita ng mga resulta na ang mga mag-aaral ay nagsimula sa antas n a "Fairly Satisfactory" (Mean=21.02). Sa paglalapat ng interbensyon, agad na umakyat ang marka (9.55), bumaba sa yugto ng withdrawal (5.64), at rumesbak sa pinakamataas na antas na "Very Satisfactory" (11.05) nang muling ibalik ang TQE Method. Ang post-test (Mean=38.90) ay nagpakita ng signipikanteng pag-angat mula sa pre-test (Mean=21.02), na sinuportahan ng t-value na -22.08 (p < 0.001). Natuklasan din ang isang large effect size (η2p = 0.51), na nagpapatunay na 51% ng pagbabago sa marka ay direktang sanhi ng interbensyon. Konklusyon ng pag-aaral na ang TQE Method ay isang mapagkakatiwalaan at mabisang estratehiya sa pagdodoble ng kognitibong pag-unawa at paglikha ng konsistent na pagkatuto. Inirerekomenda ang pag-integra ng metodong ito sa mga lesson plan ng mga guro, pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga curriculum developers, at pagsasagawa ng mas malawak na pag-aaral sa iba pang antas ng baitang upang mapanatili ang mataas na antas ng literasiya.
读原文 · Read the paper ↗

AI 追问PRO

登录后使用 AI 追问

讨论区

登录后参与讨论

相关论文 · Related

MAKABULUHANG PAG-AARAL NG EL FILIBUSTERISMO GAMIT ANG THOUGHTS, QUESTIONS, EPIPHANIES (TQE) SA BAITANG 10 — 科研速览 Science Skim